Most Recent

ISANG DOSENANG LIHIM: NETIZEN NA NAKAPULOT NG CELLPHONE SA JEEP, ‘NAGULANTANG’ SA LAMAN NG SIM CARD
MAYNILA, Pilipinas – Hindi makapaniwala ang isang netizen sa kaniyang natuklasan na laman ng SIM card na kaniyang napulot na cellphone kamakailan.
Image may contain: phone and screen
Sa isang nakatutuwang kuwento ni Christine Guaves sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 15, napulot niya ang naturang unit na isang hindi kabaguhang modelo ng Nokia habang sakay ng isang dyipni.
Dahil sa pagnanais na maibalik ang cellphone sa may-ari nito, hinayaan niya lang umano itong bukas upang masagot kaagad kung sakali mang may tatawag.
Subalit natapos na ang kaniyang shift sa trabaho ay wala pa daw tumatawag dito. Ang nakapagtataka pa ay wala man lang itong kalaman-lamang message.
Matapos kalikutin para maghanap ng number na puwede niyang tawagan, dito niya nalaman na naka-view lang pala ang cellphone bilang ‘phone storage’ kaya walang contact na lumalabas sa address book nito.
Nang ilipat niya sa ‘sim storage’, dito na biglang lumabas ang ang maraming contact number na nakatago.
Subalit ang ikinagulantang ng netizen ay ang iba-ibang kontak number na may pangalang ‘Babe’ – mula Babe1 hanggang Babe 12.


“May nakapangalang Babe1, Babe2 at hindi lang hanggang babe3 bessy hanggang Babe 12 po siya. Natawa talaga ko, saludo ko sa mayari neto. Malinis ang trabaho at ang galing ng galawan,” ayon sa post ni Guaves.
Marami naman ang natuwa sa kuwento ng netizen at nagviral ang kaniyang post na umabot na sa mahigit 31,000 shares, mahigit 120,000 reaksiyon at 24,000 mga komento.
Karamihan sa mga nakabasa ay ‘humanga’ sa may-ari ng cellphone dahil lumalabas na mayroon itong isang dosenang kasintahan, bagama’t posibleng ang ibang number ay sa iisang tao lamang at nakahiwalay lang.
Sabi naman ng iba ay maaaring hindi naman siguro sabay-sabay ang relasyon ng may-ari sa kaniyang mga ‘Babe’.
Ganunpaman, hinala ng karamihan ay maaaring hindi na bawiin ng may-ari ang kaniyang cellphone lalo pa’t kumalat na ang kuwento sa social media.

chantal winona Tuesday, February 21, 2017
SP03 Arturo "Arthur" Lascañas haharap sa kasong perjury!

SP03 Arturo "Arthur" Lascañas haharap sa kasong perjury!

Ito'y matapos niyang bawiin kanina ang kanyang mga nakaraang pahayag kaugnay sa pagkakadawit umano nito at ng Pangulong Duterte sa sinasabing Davao Death Squad.



Ayon kay Senador Ping Lacson, under oath pa si Lascañas kaya tiyak na mahaharap siya sa kasong perjury dahil magkaiba ang mga pahayag nito.

Ang problema kasi under oath siya na nagtestify dito. So if he will again testify under oath, open siya sa perjury makakasuhan siya definitely. Hindi pwedeng magkaiba yung statement parehong totoo eh parehong under oath” sabi ni Lacson. 

kakui15 Monday, February 20, 2017